KALABOSO | Lalaki, arestado sa ilegal na droga sa Cavite

Cavite – Arestado ang hinihinalang tulak ng droga matapos mahuling nagbebenta ng marijuana sa bayan ng Tanza, Cavite.

Hinuli ang 27-anyos na suspek sa Barangay Punta Uno, nang pagbentahan niya ang isang undercover na pulis ng isang pakete ng marijuana sa halagang limang daang piso.

Nakuha mula sa suspek ang 11 sachet ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng limang libong piso.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments