KRITIKAL | 51-anyos na ina, kritikal matapos saksakin ng sariling anak

Quezon City – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang 51-anyos na ina sa Quezon City matapos saksakin ng sariling anak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police, lumalabas na sinaksak ng 29-anyos na binata ang kaniyang ina matapos itong utusan na lakasan ang volume ng kanilang TV.

Ayon sa suspek, binugbog umano siya ng kaniyang ina nang hindi niya sinunod ang utos nito at naging dahilan upang saksakin niya ito.


Ayon naman sa kapatid ng suspek, may problema sa pag-iisip ang suspek at hindi pa napatingnan sa doktor.

Iimbestigahan din ng mga otoridad kung totoo ngang may problema sa pag-iisip ang suspek, ngunit nahaharap pa rin ito sa kasong frustrated parricide.

Facebook Comments