KALABOSO | Lalaking nahuling nagpapanggap na pulis sa Pasay, kinasuhan na

Manila, Philippines – Kinasuhan na ang lalaking nahuling nagpupulis-pulisan sa Pasay City kagabi.

Kasong usurpation of authority at illegal use of uniform and insignia batay sa Revised Penal Code at kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang kinahaharap ngayon ni Felix Verona, 35-anyos na taga-Tondo, Maynila.

Kagabi nang masita ang suspek sa isang checkpoint sa NAIA road habang sakay ng motorsiklo at walang helmet.


Nagduda ang mga otoridad dahil peke ang ipinakita nitong I.D. At nang i-double check ay nakumpirma nilang hindi siya totoong pulis.

Nang kapkapan ay nakuha pa sa suspek ang isang kutsilyo na malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments