KALABOSO | Mag-asawang miyembro ng NPA, arestado sa Bulacan

336

Bulacan – Arestado ang mag-asawang miyembro Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP) sa Balagtas, Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong arson, inaresto sina Oliver at Rowena Rosales, dating mga opisyal ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).

Nabatid na ang mag-asawa ay dating national government employees board ng CPP-NPA.

Nahuli ang dalawa habang pauwi mula sa pagtitinda sa kanilang ukay-ukay store.

Nakuhaan naman ng baril si Oliver habang napag-alaman na bahagi si Rowena sa isang alias warrant na naka-isyu laban sa isang Juan Alexander Reyes na naaresto noong Hunyo.

Facebook Comments