KALABOSO | Mangingisda, huli matapos mahulihan ng shabu sa Malabon

Malabon City – Kalaboso ang isang mangingisda makaraang mahulihan ng iligal na droga matapos na makipag-away sa Naval Street, Barangay Hulong Duhat, Malabon City.

Nakilala ang nadakip na si Nelson Villamor, 39-anyos at residente ng Barangay Bayan-Bayanan.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Campaign ang pulisya nang madaanan nila ang dalawang grupo ng mga kalalakihan na nag-aaway sa nasabing lugar.


Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang gulo pero nagtakbuhan ang mga sangkot dito pero nakorner nila si Villamor.

Nang kapkapan, nakuha mula sa kaniyang bulsa ang dalawang sachet ng shabu.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ng iligal na droga pero hindi daw siya nagbebenta nito.

Facebook Comments