WALANG TAKAS | Hong Kong national na nakabundol at nakapatay sa isang college student, naharang sa NAIA

Manila, Philippines – Nadakip na ng mga pulis ang isang Hong Kong national na nakabundol at tinakbuhan ang isang college student sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Victor Kung, na nadakip sa NAIA Terminal 2 kung saan papaalis na sana ito ng bansa at pabalik na ng Hong Kong.

Si Kung ay nakapiit na sa MPD traffic sa Port Area at sasampahan ng reckless imprudence resulting in homicide.


Nabatid kasi namatay na ang nabangga niyang college student na si Jerimiah Erwin Tan habang maswerteng minor injuries lang ang tinamo ng dalawang menor de edad na nabangga din nito.

Facebook Comments