KALABOSO | Negosyante, arestado matapos gahasain ang kaniyang stepdaughter sa Cebu

Cebu – Arestado ang isang 37-anyos na negosyante matapos na ireklamo ng panggagahasa ng 14-anyos na stepdaugther nito sa Barangay Poblacion, Liloan, Cebu.

Sa ulat, mismong ang biktima ang siyang humingi ng tulong sa kanilang principal sa eskwelahan para ipa-aresto ang hindi na pinangalang negosyante kung saan bago siya gahasain ay nakaranas na siya ng pangmo-molestiya noong nakaraang taon.

Nabatid pa na ang suspek ay naharap na din sa kasong rape perohindi ito nakasuhan matapos na ma-settled ang isinampang reklamo.


Bukod sa kasong rape, nahaharap din sa kasong illegal possesion on firearms ang suspek makaraang mahuli sa kanialng isang .45 na baril na ginagamit nitong panakot sa biktima.

Facebook Comments