NANLABAN | Notoryus na magnanakaw, patay matapos mabaril ng isang guwardiya sa Talisay City, Cebu

Talisay City – Patay ang isang notoryus na magnanakaw matapos barilin ng isang security guard sa loob ng isang exclusive subdivision sa Barangay Lawaan-1, Talisay City, Cebu.

Sa ulat, hinarang ng guwardiyang si Rosebel Oamilda ang suspek na si Ronald Basua matapos nitong tangkain ilabas sa subdivision ang ninanakaw na computer unit sa bahay ni Ramir Quintana.

Pero sa halip na sumuko, bumunot ng ice pick si Basua saka sinugod ang guwardiya pero nakatakbo ito sa loob ng kanilang outpost saka kinuha ang shotgun.


Nagpaputok ng warning shot ang security guard subalit patuloy pa din sa pag-atake ang suspek kaya at napilitan siyang barilin ito.

Mismong ang guwardiya na din ang tumawag sa mga pulis kung saan isinugod nila sa ospital ang suspek pero namatay din habang ginagamot.

Facebook Comments