KALABOSO | P10 million na halaga ng droga, nakuha sa pag-iingat ng isang barangay tanod

Manila, Philippines – Arestado sa ikinasang drug buy bust operation ng Southern Police District (SPD) ang isang barangay tanod.

Ayon kay Police Chief Superintendent Tomas Apolinario, District Director ng Southern Police District (SPD) nasakote ang suspek na si Suwaib Mamalangkay 35 anyos lider ng Mamalangkay Robbery-Holdup Group.

Kanina ikinasa ang nasabing operasyon kung saan narekober sa barangay tanod ang


1) 10 plastic of suspected shabu estimated at 2 kilos or Php 10 million
2) 1 plastic sachet of Shabu w/ estimated weight of 50gms
3) 1 granade
4) 1 cal .45 pistol
5) Illegal drugs paraphernalia

Sinabi pa ni Apolinario na ang arestadong suspek ay mayroong kinasasangkutan na iba’t-ibang krimen kabilang na dito ang pagkakasangkot sa robbery-holdups, carnapping, illegal drug & gun for hire.

Napatay din ni Mamalangkay ang sariling asawa at naaresto noong 2015 dahil sa kasong murder pero base sa utos ng korte napalaya ang suspek.

Sa ngayon hawak na ng SPD ang barangay tanod at nakatakdang ipagharap ng patung patong na kaso.

Facebook Comments