Manila, Philippines – Arestado ang pitong indibidwal makaraang mambiktima ng isang OFW sa pamamagitan ng romance scam sa Quezon City.
Gumawa ng isang pekeng Facebook account na may pangalang “Joana Mae Cruz” ang mga suspek, at kinaibigan ang bikimang si Frederick Egea noong Hunyo 2017.
Nakuha ng mga suspect ang loob ng 23 anyos na biktima at di kalunan ay na- inlove sa pekeng account dahilan kung bakit napapayag itong magpadala ng pera para sa tuition fee at iba pang gastusin ng inakala nitong girlfriend niya.
Sa loob ng higit isang taon, umabot sa 600,000 pesos ang nakuha ng mga suspect mula sa biktima.
Makaraang paulit ulit na tanggihan ng suspect ang hiling na meet up ng biktima, nang umuwi ito sa Pilipinas, dito na ito nagduda at agad na dumulog sa pulisya.
Sa isinagawang entrapment operation naaresto sina:
Ma. Angelica Miguel
Richelle Vasulla
Jeanly Shane Boyore
Juvy Ann Capino
Arjay Balansayo
John Luis Patrick Acol, at Jim Anthony Besonia na kinasuhan ng patung-patong na kasong kriminal kabilang ang robbery at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.
Bukod kay Egea, tatayo ring complainant ang totoong mayari ng mga larawan ng pekeng Facebook Account na kinilala bilang si Angelica Calanog.