KALABOSO | Pulis, arestado dahil sa pangongotong sa taxi driver

Manila, Philippines – Dinakip ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isang pulis matapos na mangotong sa isang taxi driver.

Kinilala ang naarestong pulis na si SPO3 Nildo Orsua.

Ayon kay PNP CITF Commander Police Senior Supt Romeo Caramat, ala-1:45 ng hapon kanina nang isagawa ng mga tauhan ng CITF at PNP Intelligence Group ang entrapment operation sa loob ng Traffic Enforcement and Investigation Unit of Makati City Police Station.


Batay sa reklamo ng Taxi Drayber na si Marlon Dalaga na sa kabila na naayos nya ang kanyang atraso sa kanyang na-agrabyado matapos masangkot sa vehicular accident ay hindi pa rin ibinabalik ng pulis na suspek ang driver’s license ng taxi driver dahil humihingi ito ng 2,500 pesos.

Dahil dito napilitan na syang magsumbong sa CITF.

Beneripika naman ng CITF ang reklamo at nang makumpirma agad na ikinasa ang entrapment operation dahilan ng pagkakaaresto ni SPO3 Orsua.

Sa ngayon nahaharap ang pulis sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments