SAWI | 12 BIFF, patay habang 9 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

Maguindanao – Patay ang labing dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) matapos ang ikinasang operasyon ng militar laban sa BIFF at DAESH Inspired Toraife Group sa Brgy. Malingao, Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao nitong nakalipas na araw ng Linggo.

Ayon kay 6th Infanrty Division Spokesperson Capt Arvin Encinas nasawi ang mga ito dahil sa ikinasang air at artillery fires sa Sitios Pandan, Mungkas at Bulod ng Brgy. Malingao,sa Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawing miyembro ng BIFF na sina Baser Alon, Nurdin Kalun, Kemi Jainudin, Wahed Anuwar, Bensar Ali, Arapat Gemal, Bedo Gamadil, Wari Brahim, Bakar Seral, Tato Menta, at dalawang hindi pa nakikilala.


Siyam naman ang naitalang sugatan miyembro ng BIFF.

Nagpapatuloy ang operasyon ng militar sa SPMS o sa mga bayan ng Salibo, Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano, at Shariff Aguak sa Maguindanao laban sa mga miyembro ng BIFF.

Facebook Comments