KALABOSO | SPD nagkasa ng entrapment operation sa isang KFR group sa Taguig

Taguig City – Isa ang patay at tatlo ang arestado sa entrapment operation ng Taguig City Police sa isang kidnap for ransom group sa Malunggay Street Arca South, FTI Western Bicutan, Taguig City.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario, ang napatay at tatlong kasamahan na naaresto ay mga aktibong pulis na naka-assigned sa precinct 1 ng Taguig City Police.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang babae ang dinampot ng mga suspect sa magkahiwalay na lugar.


Ang unang biktima na dating asawa ng isang high value target/drug lord ay dinampot sa Lower Bicutan alas otso kagabi, habang ang ikalawang biktimang babae na dating huli dahil sa pag-iingat ng drug paraphernalia ay dinampot alas dose ng hating gabi.

Sinabi pa ni Apolinario, walang initial violation ang dalawang babaeng dinampot o walang ginawang paglabag sa batas.

Pinatutubos sa mga kamag anak ang mga biktima, nagreklamo ang mga kamag anak sa mga pulis, agad na nagkasa ng rescue operation, sa lugar sa halip na sumuko, nakipagpalitan ng putok ang mga pulis, na nagresulta sa kamatayan ng isa kaninang 4 ng madaling araw.

Facebook Comments