KALABOSO | Suspek sa kasong human trafficking, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ng NBI ang isang lalaki na sangkot sa pagbebenta ng mga malalaswang video at larawan ng mga bata na ibinebenta online sa mga dayuhan.

Si alyas Nestor ay naaresto matapos magbenta ng mga video ng mga batang edad walo at 11-taong gulang sa undercover agents ng NBI sa Taguig.

Ayon kay Atty. Janet Francisco-Hepe ng Anti-Human Trafficking Division ng NBI, nadiskubreng tiyuhin pa pala ng mga biktima ang suspek na si Alyas Nestor.


Sinasabing kasabwat ang suspek ng sindikatong nag-ooperate sa Taguig at ito rin ang suspek na nagbenta ng child pornographic materials sa isang Dutch National na nauna nang nadakip ng mga otoridad.

Na-rescue naman sa operasyon ng NBI ang mga batang biktima na nasa kostodiya na ngayon ng DSWD.

Isinalang na sa inquest proceedings sa DOJ ang naarestong suspek para sa kasong paglabag sa Child Pornography Law.

Facebook Comments