PINAALALAHANAN | Pangulong Duterte, binalaan laban kay Budget Sec. Benjamin Diokno

Manila, Philippines – Nagbabala si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa pananatili ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paalala ni Andaya, hindi malayo na matulad si Pangulong Duterte kay Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Andaya, naglingkod din noon ni Diokno kay dating Pangulong Estrada bilang Budget Secretary at minsan ng inilaglag ng kalihim ang kanyang pinaglingkuran.


Dahil dito, dapat aniyang kausapin ni Pangulong Duterte si Diokno.

Iginiit ni Andaya na dapat ang isang myembro ng gabinete ay may maayos na relasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa kaso anya ni Diokno ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon nito sa lehislatura.

Samantala, kung si House Minority Leader Danilo Suarez ang tatanungin, naniniwala itong pabigat na sa administrasyon si Diokno kaya dapat na magbitiw na ito sa pwesto.

Facebook Comments