KALABOSO | Tatlong drug pusher – arestado sa Marikina City

20

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong tulak ng droga sa buy-bust operation ng Marikina City Police.

Kinilala ang mga suspek na sina Efren Canieso, 21-anyos; Angela Canieso, 18-anyos at Marvin Canieso, 24-anyos residente ng Barangay Malanday.

Nakuha sa kanila ang walong sachet ng shabu at P1,000 marked money.

Kinasuhan na sila ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments