HINAHANAP | Amerikanong scuba diver – nawala sa karagatang sakop ng Mabini, Batangas

52

Batangas – Pinaghahanap pa rin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang scuba diver na American national makaraang mawala sa karagatang sakop ng Mabini, Batangas.

Kahapon pa nang hapon nang mawala ang diver na si Andrew Kildride matapos na mag-dive sa bahagi ng cathedral dive site.

Ayon sa mga local diver sa Mabini, malalim at malakas ang current ng tubig sa bahagi ng dagat kung saan nag-dive ang dayuhan.

Tumulong na rin ang mga diver sa isinasagawang search and rescue operation ng PCG.

Facebook Comments