KaladKaren, ibinalik kay Bato ang payo sa ABS-CBN workers na ‘maghanap ng ibang trabaho’

8293

Hindi pinalampas ni KaladKaren Davila ang payo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa para sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN.

Matatandaang sinabi ng senador sa online interview na, “Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo.”


Sa Twitter nitong Huwebes, ibinalik ng TV host at impersonator ang naturang mga salita kay Dela Rosa.

“Mr. Senator, bagay din po sa inyo itong statement niyo. May iba pa pong trabaho. Hanap na lang po kayo ng iba,” ani KaladKaren, o Jervi Li sa totoong buhay.

Ibinasura na ng Kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN sa bagong prangkisa nitong Biyernes, Hulyo 10.

Pumabor ang 70 mambabatas sa resolusyong huwag bigyan ng prangkisa ang network, kumpara sa 11 na tumutol.

Facebook Comments