Kalagayan ng mga korte sa bansa, personal na inaalam ng mga mahistrado ng Korte Suprema

Ipinaliwanag ni Supreme Court (SC) Justice Maria Filomena Singh ang mga dahilan kung bakit sila lumalabas at nag-iikot.

Sa Media Training na isinagawa ng Public Information Office (PIO) ng SC, sinabi ni Singh na isa sa mga ginagawa nila ngayon ay kamustahin at alamin ang sitwasyon ng mga korte sa bansa.

Bukod dito, nais rin ng Korte Suprema na malaman ang kalagayan ng mga hukom at mga tauhan nito lalo na ang nasa malalayong lugar.


Nais rin ng Korte Suprema na masolusyunan ang mga problema o mga kakulangan sa ilan mga korte sa buong bansa kaya nila ito pinupuntahan at kinausap.

Sinabi pa ni Singh na nais ipakita at iparamdam ng Korte Suprema ang buong suporta sa mga hukom partikular sa pagpapatupad ng kanilang trabaho.

Para mas magkaroon pa ng maayos na pakikipag-ugnayan, nagsasagawa rin ng mga mga summit, conferences, seminars, traing at iba pa ang Korte Suprema na dinadaluhan ng mga hukom at mga empleyado nito.

Facebook Comments