Sa kabila ng mga hindi pa naibibigay na benepisyo sa health workers at ang hiling nila na timeout muna ay mga pasyente pa rin ang kanilang iniisip.
Ito ang tiniyak ng Alliance of Health Workers lalo na’t nagkukulang na ngayon ang mga staff sa ospital sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga naiitalang COVID-19 cases sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AHW President Robert Mendoza na bilang solusyon dito ay nananawagan sila sa pamahalaan na magsagawa ng mass hiring upang kahit papaano ay mapunan ang mga kulang na health workers.
Samantala, naniniwala naman si Philippine Nurses Association President Melbert Reyes na marami talaga tayong nurse dito sa bansa pero mas pinipili nila ang ibang trabaho dahil na rin sa mababang pasweldo lalo na sa mga pribadong ospital.
kahapon, nagsagawa ng mass protest ang mga health worker mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos na hindi pa matanggap ng karamihan sa kanila ang benepisyo kagaya ng Special Risk Allowance.