Kalagayan ng mga Pinoy Crew ng barkong pinigil sa Persian Gulf, patuloy na mino-monitor ng DFA

Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (dfa) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa tehran ang sitwasyon ng 12 Filipino Crew na sakay ng hinuling foreign tugboat sa Iran.

Hinuli ang barko sa bahagi ng Persian Gulf matapos umanong makuhanan ng smuggled na langis.

Ayon kay Ambassador to Iran Wilfredo Santos, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa sinasabing oil smuggling ng mga crew at pagkatapos ay dadalhin ito sa Korte.


Naghihintay pa ng update ang Embahada tungkol sa sitwasyon ng mga Pinoy at tiniyak na handa itong magbigay ng tulong.

Facebook Comments