Mga presong napalaya sa ilalim ng GCTA law, hindi pa nakakalabas ng bansa

Wala pang Persons Deprived Of Liberty (PDLs) na maagang nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at nasa listahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakalabas na ng bansa.

 

Ito ay base sa preliminary report mula sa Bureau of Immigration.

 

Hanggang kaninang alas 12:00 ng madaling araw, umabot na sa 76 ang mga sumuko at kasalukuyang nasa custodiya ng BuCor.


 

Dalawampu’t walo (28) rito ay mula sa Region II na sabay-sabay dinala sa BuCor sakay ng isang bus.

 

Patuloy ding nakatatanggap ng report ang BuCor mula sa PNP hinggil sa mga dagdag pang surrenderees.

Facebook Comments