Bumuo ng team ang Philippine Consulate General sa Macau na ide-deploy upang alamin ang kalagayan ng mga miyembro ng Fililpino community kasunod ng Category 10 Typhoon Higos nitong August 19, 2020.
Ang team ay binubuo ng mga opisyal ng Konsulado at ng Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa Macau kung saan binisita nila ang 16 na designated shelter areas.
Sinabi ni Philippine Consul General to Macau Lilybeth R. Deapera na walang Filipino ang naiulat na nasaktan o nangangailangan ng tulong sa mga temporary shelters na kanilang tinutuluyan.
Sa ulat naman ng Filipino Community leaders organizations sa Philippine Consulate, tiniyak ng mga ito na ligtas lahat ang mga Fililpino doon.
Sa kabila nito, patuloy na mino-monitor ng Konsulado ang sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing bansa matapos hagupitin ng Category 10 Typhoon Higos ang Macau.