Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatutok sila sa kalagayan ng mga Pilipinong nasa mga bansang apektado ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, pinaplantsa na nila ang repatriation o pagpapa-uwi sa mga Pilipinong nagpaabot ng pagnanais na makauwi ng bansa dahil sa banta ng nCoV.
Maliban dito, nagsimula na rin aniya ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng umiiral na travel ban sa China, Macau at Hong Kong na posibleng mawalan ng trabaho.
Facebook Comments