Higit kalahati sa kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay mula sa hanay ng mga manggagawa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 515,993 sa kabuuang higit 800,000 cases ay may edad 20 hanggang 49 na taon.
Karamihan din sa mga namamatay sa virus ay nasa edad 50 pataas.
Nagpaalala rin si Vergeire na dapat maging maingat ang publiko sa pag-intindi sa reproduction number.
Kasunod ito ng naitala 1.43 reproduction number sa National Capital Region at 1.45 sa buong Pilipinas ng OCTA Research Group.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na patuloy nilang paakyatin ang testing capacity ng bansa.
Bukod sa nasopharyngeal at oropharyngeal RT-PCR test at antigen test, kasama na rin ang saliva RT-PCR test sa mga puwedeng isagawa sa mga laboratoryo basta nakapag-training mula sa mga sertipikado ang magsasagawa nito.