Kalahati ng Build, Build, Build Program ng Duterte administration, natapos na!

Sa pagpasok ng ikatlong taon sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, kalahati na rin ang nagawang mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” program o ang sinasabing golden age of infrastructure ng Duterte Administration.

Hindi bababa sa 8-trillion pesos ang halaga ng big ticket projects sa pagsasanib pwersa sa ibang pagkakataon ng DPWH, DOTr, DBM, NEDA, DOF at BCDA.

Ayon kay “Build, Build, Build” Committee Chairperson Ana Mae Lamentillo, kasama sa mga proyekto na naglalayong masolusyunan ang problema sa traffic sa Metro Manila.


Isa na rito ang Luzon Spine Expressway Network Program na may anim na expressway.

Noong Marso, binuksan na sa publiko ang elevated NLEX Harbor Link Segment-10 na nagdurugtong sa McArthur Highway sa Valenzuela at C3.

Sa unang bahagi naman ng taong 2020, matatapos ang R10 exit ramp nito na nagdurugtong sa Segment 10 sa Navotas.

Target din tapusin sa 2020 ang Metro Manila Skyway Stage 3 mula Buendia hanggang Balintawak sa NLEX habang nagsimula na ang pre-construction works sa 8-kilometer NLEX-SLEX connector road.

Labing dalawang tulay sa Pasig River, Marikina River at Manggahan floodway ang bahagi ng “Build, Build, Build.”

Facebook Comments