Lumipat na sa ibang bansa ang kalahati sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang iniulat ni Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR Chair and CEO Andrea Domingo sa gitna na rin ng pagdinig sa 2022 national budget sa House Committee on Appropriations.
Ayon kay Domingo, higit sa kalahati na ng mga POGOs sa bansa ang lumipat na sa Cambodia at Laos.
Dahil pa rin sa epekto ng pandemya, kung dati ay nakapagbibigay ang POGO ng P8 billion hanggang P9 billion ng kita sa PAGCOR, bumaba na ito sa P1.6 billion dahil sa kalahati na lamang ang nag-o-operate.
Ang kita na nakukuha ng PAGCOR mula sa POGO ay ginagamit sa pagpopondo sa Universal Health Care (UHC) Law at sa iba pang mandatory programs na iniatang sa kanila ng pamahalaan.
Sa 2019, nasa kabuuang P17.96 billion ang naibigay na pondo ng PAGCOR sa UHC pero bumaba ito sa P7 billion sa 2020.