Thailand King Maha Vajiralongkorn, ligtas na matapos mabaril habang nagbabakasyon sa Germany

Thailand – Ligtas at hindi nasaktan ang hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn makaraang mabaril ito habang nagbabakasyon sa Germany.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Germany – dalawang minor-de-edad ang namaril sa hari habang ito ay nasa sasakyan kasama ang mga guwardya malapit sa Munich Airport, gamit ang isang air pistol.

Ang mga minor-de-edad na 13 at 14 anyos, ay pinaniniwalaang namaril mula sa bintana ng isang bahay sa Erding, Germany.


Iniimbestigahan naman ng mga pulis ang 14-anyos na bata pero, hindi naman makukulong ang kasama nitong 13-anyos dahil labag ito sa batas ng nasabing bansa.

Hindi naman magsasampa ng kaso ang hari ng Thailand dahil wala naman itong sugat na natamo.

Facebook Comments