Patuloy ang pagbibigay ng Philippine National Police (PNP) ng booster shot sa kanilang mga tauhan bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng PNP Health Service, mahigit 107,000 miyembro ng PNP o 49.12% ng kanilang mga bakunadong tauhan ang nabigyan na ng booster shot.
Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, kasabay ng pagbaba ng mga kaso sa buong bansa.
Base sa huling tala ng PNP Health Service 166 nalang ang mga tauhan ng PNP na kasalukuyang naka-quarantine dahil sa COVID-19.
Ito ay matapos na makapagtala ngayong araw ng 42 bagong recoveries at 6 na bagong kaso.
Nang magsimula ang pandemya 48,750 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 48,456 ang naka-recover at 128 ang nasawi.