Warehouse ng mga pekeng lotion sa Maynila, sinalakay ng NBI

Ni-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang warehouse sa Sta. Cruz, Maynila na pinag-iimbakan ng mga pekeng lotion.

Kahon-kahon na mga pekeng lotion ng Victoria’s Secret ang naabutan ng NBI-National Capital Region (NCR) sa naturang imbakan.

Sa pagsusuri ng NBI-NCR, nakita na pawang tubig ang kalidad ng lotion.


Hindi pa masabi ng NBI-NCR kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang pekeng lotion sa Spring Hotel.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbentaryo ng mga otoridad.

Facebook Comments