Kalahati sa suplay ng future COVID-19 vaccine, nabili na ng mayayamang bansa

Photo Courtesy: USA Today

Nabili na ng mayayamang bansa ang kalahati sa suplay ng future COVID-19 vaccine.

Ito ang iniulat ng non-government organization na Oxfam America matapos nitong i-analisa ang deal struck ng mga pharmaceutical at vaccine producers para sa limang bakunang nasa late-stage trials na.

Sa pagtaya ng Oxfam, ang combined production capacity ng limang vaccine candidates ay aabot sa 5.3 billion doses.


Nasa 51% nito o 2.7 billion doses ay binili na ng US, UK, European Union, Australia, Hong Kong at Macau, Japan, Switzerland at Israel.

Habang ang natitirang 2.6 billion doses ay naipangako na sa mga developing countries gaya ng India, Bangladesh, China, Brazil, Indonesia at Mexico.

Facebook Comments