Aabot umano sa kalahati ng ulan na ibinuhos ng Bagyong Ondoy noong 2009 ang pag-ulan kahapon sa Metro Manila bunsod ng habagat.
Sa monitoring ng Manila Observatory, naitala ang pinakamataas na accumulated rainfall sa loob ng 24 oras Sa Holy Spirit, Quezon City na 236 millimeters.
Sinundan ito ng San Mateo Rizal (220 mm) at Nangka, Marikina (215 mm).
Matatandaang noong 2009, umabot sa 455 millimeters ng ulan ang naibuhos ng bagyong ondoy sa loob ng 24 oras na nagpalubog sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Facebook Comments