Kalahating milyong halaga ng shabu nasamsam sa dalawang high value target

Timbog ang dalawa katao kahapon sa drug buy bust operation ng PDEA-ARMM, CCPO,PP2, City Drug Enforcement Unit, 5th Special Forces battalion at City LGU ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi sa tapat ng Manongs sa Sinsuat avenue pasado alas dose ng tanghali. Kinilala ang mga nahuling suspect na sina Nasrodin Salipada at Rakman Imba na pawing resident eng purok Talitay barangay RH-7 ng lungsod, nakuha sa kanilang posisyon ang tatlong jumbo size na sachet ng shabu na nagtitimbang ng 175 grams na may street value na kalahating milyong piso. Ayon kay PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin, mga high value target umano ang dalawa dahil malakihan ang kanilang transaction na daan-daang libo.Kahapon nagkasundo sila ng kanyang agent nasa tapat ng Manongs magpalitan ng epektos at pera.Sakay ang dalawa ng isang honsa XRM at ng pag abot ng suspect sa isang jumbo pack at iniabot naman ang 100k pesos nap era ay ditto na nihuli ang mga suspect. Silay nakapiit na ngayon sa lock-up cell ng PDEA at nakatakdang sampahan ng kaso paglabag sa RA-9165 habang patuloy ang pagfollow up sa mga kasapakat ng dalawa.

Facebook Comments