Kalahating milyong indibidwal, inaasahang dadagsa sa Manila South Cemetery ngayong araw

Inaasahang aabot sa kalahating milyong indibidwal ang dadagsa ngayong araw sa Manila South Cemetery.

Ayon kay Police Major Jake Arcilla, kahapon ay nakapagtala sila ng 16,500 na indibidwal na dumalaw sa Manila South Cemetery.

Inaasahan mas marami sa bilang na ito ang dadagsa ngayong araw na posibleng umabot hanggang kalahating milyon.


Ito ay dahil last day na ngayon ng holiday at ang November 1 ang nakagawian ng mga Pilipino na dumalaw sa sementeryo para sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Sinabi ni Police Major Arcilla, taong 2018 nang makapagtala ang Manila South Cemetery ng 500 libong indibidwal na bumisita.

Wala naming magiging extension sa araw at visiting hours.

Samantala, sa mga dumalaw kahapon marami ang nakumpiskahan ng sigarilyo, lighter, at matutulis o matatalim na bagay.

Pero sa kabuuan ay nanatiling payapa at maayos ang sitwasyon sa Manila South Cemetery.

Payo naman ng pulisya sa mga tutungo pa rin sa Manila South Cemetery ngayong araw na bawal ang mga hindi bakunadong minors o kabataan habang dini-discourage naman na pumunta ang mga hindi bakunadong adult.

Bawal din ang mga nakakalasing na inumin, flammable materials, baril at iba pang matutulis o matatalim na bagay.

Bawal din ang videoke o anumang sound system, baraha, bingo cards at anupamang uri ng materyal na ginagamit sa pagsusugal.

Facebook Comments