Mahigit 20,000, bumisita sa Bagbag Public Cemetery

Umabot na sa mahigit 20,000 ang bumisita sa yumao nilang mahal sa buhay sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City.

Ito ay base sa huling pagtaya ng pamunuan ng sementeryo alas-9 kagabi.

Una nang sinabi ni Gene Biglang Awa ang administrador ng Bagbag Public Cemetery na ngayong araw hanggang bukas ay posibleng pumalo sa 500,000 ang mga dadalaw dito sa sementeryo.


Samantala, tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapaalala ng pamunuan ng sementeryo sa mga bibisita sa yumao nilang mahal sa buhay na ‘wag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.

Pinaalalahanan din ang mga magulang na may dalang anak lalo na ‘yung 12 taong gulang pababa na magdala ng vaccination card dahil hindi papapasukin ang mga hindi fully vaccinated na mga “chikiting”.

Mahigpit ding pinapatupad sa Bagbag Public Cemetery ang “No face mask, No entry policy.”

Facebook Comments