Inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na umabot na sa 184 na bansa ang nakilahok sa COVAX Facility.
Layunin ng COVAX Facility na pondohan ang gastusin sa madidiskubreng bakuna kontra COVID-19 para sa patas na ipamamahagi nito sa mayaman at mahirap na bansa.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang pantay na pamamahagi ng bakuna ay ang pinakamabilis na paraan para malabanan ang COVID-19 virus.
“Equitably sharing vaccines is the fastest way to safeguard high-risk communities, stabilise health systems and drive a truly global economic recovery,” ani Tedros.
Nabatid na ang bansang Uruguay at Ecuador ang mga bagong bansang kabilang sa grupo.
Facebook Comments