RR Pogoy, itinanghal na ‘Best Player of the Week’ ng PBA Press Corps

164

Itinanghal bilang Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Player of the Week si Talk ‘N Text Tropang Giga guard Roger Ray “RR” Pogoy.

Ito ay matapos makapagtala ngayong linggo si Pogoy ng kabuuang 23.7 points kasama ang 44% na three point shooting, pitong rebounds, 1.3 assissts at dalawang steal.


Ayon kay Pogoy, hindi niya akalain na ganoon kaganda ang maipapakita niya ngayong conference at nagpasalamat ito dahil nagbunga ang kaniyang training.

Sa ngayon, wala pang naitatalang talo ang TNT Tropang Giga.

Facebook Comments