Ngayong paggunita sa Araw ng Kalayaan ng bansa, tinukoy ni Speaker Gloria Arroyo na kasalukuyang ipinaglalaban ngayon ng mga Pilipino ay ang kalayaan sa kahirapan.
Ito ang pahayag ni Arroyo sa kanyang talumpati bilang Guest of Honor sa ika-121 Kalayaan ng bansa na ginanap sa Barasoain Church sa Malolos City, Bulacan.
Ayon kay Arroyo, hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang mga Pilipino sa pakikipaglaban para sa kalayaan at ang pakikibaka na ito ay para maialis ang bansa sa sadlak ng kahirapan.
Sinabi pa ni Arroyo na noong siya ang Pangulo ay nagbunga ang pakikipaglaban sa kahirapan noong mapababa mula sa 39% ang poverty rate noong 2001 sa 26% noong 2010.
Target naman ngayon ng administrasyong Duterte na maibaba sa 14% ang antas ng kahirapan bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Malaki ang pagasa ni Arroyo na sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan ay lalo pang bababa ang poverty rate sa Pilipinas.