Kalayaan sa pagpapahayag ni Rep. Barzaga, alinsunod sa konstitusyon kaya hindi ito dapat parusahan ng Kamara

Kabilang sina SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta at Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando sa 5 kongresista na bumoto kontra sa 60 araw na suspensyon ng Kamara kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.

Giit ni Marcoleta at San Fernando, hindi dapat parusahan si Barzaga dahil ang mga posts nito sa social media ay bahagi ng kalayaan sa pagpapahayag na pinoprotektahan ng konstitusyon.

Paliwanag ni Marcoleta, bahagi ng independence ng lehislatura ang pagtiyak na ang mga miyembro nito ay lubos na makakapagpahayag ng walang kinatatakutan kaugnay sa mga bagay na may kinalaman sa intres ng publiko tulad ng mga inihahayag ni Barzaga sa social media laban sa korapsyon.

Katwiran naman ni Rep. San fernando, totoong maraming nasabi, pinahayag at ginawa si Barzaga na hindi aakma sa pamantayang inaasahan sa isang halal na opisyal pero dapat ikonsidera na may karapatan itong sa free speech at pakikipagdebate.

Diin pa ni San Fernando, hindi dapat maging balat sibuyas at allergic ang mga kongresista sa naiibang pananaw barzaga.

Facebook Comments