Kalayang – Layang Fest tampok sa Anibersaryo ng Sultan Kudarat

Dinagsa ng mga residente ng Sultan Kudarat ang isinagawang Kalayang- Layang Fest o Kite Competition.

Umabot sa 21 na mga partisipante ang nakiisa at nagpakitang gilas sa paggawa at pagpapalipad ng kite.

Ang Kite Fest ay isinagawa sa Serama Ground , na pinagunahan ni Mayor Datu Shameem Mastura .
Ang aktibidad ay may kaugnayan sa ika 71st Founding Anniversary ng bayan sa August 20.


Tinanghal na grand winner ang Kite na gawa ni King Khalid Ali ng Barangay Macaguiling, tumanggap ito ng P 10, 000, 2nd ang mga taga Simuay , nag uwi rin ang mga ito ng P 5, 000 at 3rd runner up ang Kite na gawa ni Sahid Karim ng Barangay Katuli na nakapag- uwi ng 3K bukod pa sa tinanghal rin itong highest flying kite.
Tinanghal namang best LAYANG LAYANG ang Kite na gawa ng Mgrafix Company ng Barangay Bulalo.

Facebook Comments