Kalbaryo ng mga pasahero dahil sa gusot kaugnay sa byahe ng mga provincial bus, dapat agad tugunan

64

Hiniling ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa mga kinauukulang bus operators na tuparin ang kanilang mandato na magserbisyo ng maayos sa mga pasahero.

Panawagan ito ni Poe makaraang magdusa ang maraming pasahero ng bus nitong nakaraang linggo dahil sa naging gusot sa pagpapatupad ng window hours sa byahe ng mga provincial bus.

Para kay Poe, hindi biro ang inabot ng maraming pasahero na na-stranded o kaya ay gumastos ng malaki sa pamasahe at nagpalipat lipat ng masasakyan bitbit ang kanilang mabibigat na bagahe.


Kaugnay nito ay kinalampag ni Senator Poe si Transportation Secretary Arthur Tugade na ayusin ang sistema para sa mga pasahero ng provincial buses patungo at galing ng Metro Manila.

Giit ni Poe, kailangang agad maisaayos ang connectivity sa pampublikong transportasyon kasama ang paglalagay ng intermodal terminals sa mga estratehikong lugar na mas madaling puntahan ng publiko.

Facebook Comments