Umulan man o umaraw, hindi nagbabago ang kalbaryong dinaranas ng mga motorista na dumadaan sa South Luzon Expressway North Bound lalo na sa umaga o kapag rush hour.
Partikular mula San Pedro SLEX hanggang Alabang pero paglagpas ng Alabang Flyover ay dere-derecho na ang daloy ng trapiko.
Nang makipag-ugnayan ang DZXL Pulso ng Metro sa Skyway Monitoring Center, ang paliwanag nila, malaki raw kasi ang volume ng mga sasakyan sa umaga kaya bumabara ang SLEX hanggang Alabang.
Sa nasabing lugar daw kasi bumubuhos ang mga sasakyan mula Southern Luzon papasok sa Alabang Ilalim, Muntinlupa Proper at Las Piñas kaya paglagpas ng Alabang ay mabilis na ang daloy ng trapiko kasi na-divert na sa Muntinlupa at Las Piñas ang mga sasakyan na mula sa Southern Luzon.
Ang panawagan ng mga motorista, sana raw ay magawan ng paraan ng Muntinlupa City Government at ng pamunuan ng Skyway at SLEX ang matinding kalbaryo sa araw-araw sa nasabing area.