Kalidad ng hangin sa Metro Manila pagkatapos salubungin ang 2019, naging mas marumi pa

Nag-iwan ng maruming hangin sa Metro Manila ang putukan sa pagsalubong sa 2019.

Ayon kay Vizminda Osorio, assistant director ng Environmental Management Bureau, alas-4 ng madaling araw nitong Enero 1, pumalo sa hazardous level ang air quality index sa Parañaque at Pasay City.

Habang very unhealthy naman ang hangin sa Pasig at Muntinlupa City.


Sabi ni Osorio, mas naging malala ang epekto sa hangin sa pagsalubong sa 2019 kaysa noong 2018.

Aniya, nasa 22 hanggang 69 percent ang itinaas na particulate matter sa tatlong lugar sa Metro Manila.

Ang particulate matter ang maliit na dumi sa hangin na direktang napupunta sa katawan ng tao.

Facebook Comments