Sumailalim sa pagsusuri ang kalidad ng katubigan sa Angalacan River sa Barangay Malasin, Pozorrubio ngayong unang kwarter ng taon, sa pangunguna ng lokal na opisina at DENR-Environmental Management Bureau 1 (DENR-EMB).
Kabilang sa mga tinignan ang biochemical oxygen demand (BOD), dissolved oxygen (DO), total suspended solid (TSS), potential of hydrogen (pH), at iba pang senyales sa kalinisan ng daluyan ng tubig.
Noong 2023, idineklarang protected river ang Angalacan River ng DENR-EMB at ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio.
Dahil dito, isa ang ilog sa regular na sinusuri ng DENR-EMB kada kwarter kasama ng iba pang Water Quality Monitoring Areas (WQMAs).
Giit ng mga awtoridad, mahalaga ang pangangalaga sa Angalacan at Bued River dahil pareho itong protektado at nagsisilbing mahalagang likas na yaman sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










