Sinuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang kalidad ng tubig sa mga mariculture zone parks sa Sto. Tomas at Rosario, La Union sa pamamagitan ng 1st Monthly Environmental Monitoring na pinangunahan ng Fish Health Laboratory, katuwang ang Regional Mariculture Techno-Demo Center – Casantaan Station at ang Provincial Fisheries Office ng La Union.
Kasama sa pagsusuri ang mahahalagang water quality parameters tulad ng salinity, temperatura, pH, dissolved oxygen (DO), at transparency ng tubig.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga sample ng tubig at talaba para sa karagdagang pagsusuri sa laboratoryo.
Ayon sa mga opisyal, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng BFAR upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa kalikasan at mapanatili ang sustainable at responsable na operasyon sa sektor ng mariculture. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










