Kaligtasan ng bise presidente, posibleng makompromiso kung sasama siya sa mga anti-drugs operations

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama si Senator Panfilo Ping Lacson kung sasama sa anti-illegal drugs operations si Vice President Leni Robredo.

Pero giit ni Lacson, dapat magkaroon ng maayos na arrangement para dito upang hindi makompromiso ang kaligtasan ng ikalawang pangulo.

Paliwanag ni Lacson, hindi maaring pabayaan na humalo sa operasyon ang bise presidente ng bansa dahil baka mapahamak ito.


Maaari din aniyang ma-telegraph ang operasyon dahil sa kanyang mga security personnel.

Reaksyon ito ni Lacson, makaraang sabihin ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA head Aaron Aguino na welcome si VP Robredo na makilahok sa mga operasyon laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments