Kaligtasan ng isang pari at mga bihag ng Maute, ipinaubaya na ng isang obispo sa gobyerno – Simbahan, hinihikayat ang publikong makiisa sa isasagawang panalangin para sa kapayapaan

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng isang obispo sa pamahalaan ang kaligtasan ng isang pari na bihag ngayon ng grupong Maute.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, nasa gobyerno na ang desisyon kung makikipag negosasyon ba ito sa Maute group o hindi.

Ito, ayon kay Dela Peña, ay makaraang sabihin ng Maute na palalayain nila si Fr. Chito Suganob kapalit ng kalayaan ng kanilang mga magulang na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.


Ayon kay Dela Peña, kailangan pa rin aniyang isaalang alang na mayroon pang ibang mga sibilyan, ang hawak ngayon ng Maute bilang hostage.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Simbahan ang publiko na makiisa sa gagawin nilang panalangin para sa kapayapaan sa ika 7 ng Hulyo, ganap na alas 12 ng tanghali.

Facebook Comments