Welcome kay Committee on Higher, Technical and Vocational Education Chairman Senator Joel Villanueva ang rekomendasyon na 100% classroom capacity para sa in-person classes ng higher education institutions.
Sang-ayon si Villanueva na ngayong tumataas na ang vaccination rate sa bansa, maari na ang fully implementation ng mga in-person classes na lulutas sa “learning crisis” sa bansa.
Pero paalala ni Villanueva, nananatili pa ang COVID-19 pandemic kaya dapat pa ring masiguro ang kalusugan at kaligtasan sa mga paaralan.
Giit ni Villanueva, dapat istrikto pa rin ang implementasyon ng minimum health standards sa mga paaralan at mainam na manatili ang kakayahan ng mga paaralan para sa flexible learning options para sa mga estudyante.
Suhestyon ni Villanueva, i-maximize ng mga State Universities and Colleges (SUCs) ang P2.5 bilyon na pondo sa ilalim ng 2022 national budget para sa implementasyon ng smart campus development at operationalization ng face-to-face classes.
Nanawagan din si Villanueva sa mga ahensya ng gobyerno na humanap ng paraan para matulungan ang mga guro na balik eskwelahan na rin sa harap ng pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin, bukod sa pagtiyak sa kanilang kalusugan at kaligtasan.