PCG, naka-alerto sa pagdagsa ng mga turista sa mga resort sa Batangas

Naka-alerto ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdagsa ng mga turista sa mga resort sa Batangas.

Kasunod ito ng pagluluwag ng protocols ng pamahalaan matapos ang paghupa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Una nang nagsanay ang mga tauhan ng coast guard sa water search and rescue gayundin sa boat operations at first aid.


Mismong sa Calatagan, Batangas na rin nagkukumpleto ng kanilang pagsasanay ang ang 32 iba pang trainees ng PCG.

Partikular silang sumasailalim sa pagsasanay sa K-9 narcotics dogs and handlers special course class at water training and rescue.

Facebook Comments