Kaligtasan ng mga paaralan laban sa Coronovirus, dapat tiyakin ng DepEd

88

Pinapakilos ni Senator Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) para siguruhin ang kaligtasan ng mga paaralan mula sa banta ng bagong Coronavirus.

Diin ni Gatchalian, na siyang chairman ng committee on basic education, mahalagang maging handa ang mga paaralan upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.


Para kay Gatchalian, mainam nang gawin ng DepEd ang lahat ng hakbang tulad ng pagpapalaganap ng impormasyon at maigting na pag-turo ng kalinisan sa mga mag-aaral.

Giit ni Gatchalian, kailangang may nakalatag ng aksyon ang mga paaralan sakaling may estudnyanteng makitaan ng sintomas ng Coronavirus.

Facebook Comments